^

Metro

Pagproseso ng business permit sa Maynila, pinabilis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mas mabilis na ngayon ang pagkuha at pag-renew  ng business permit sa May­nila upang mas marami  pang negosyante ang maa-kit na magtayo ng negosyo sa lungsod.

Ayon kay Fortune Mayuga, hepe ng Bureau of Permits ng  Manila City hall,  aabot na lamang sa 30 minuto ang proseso ng pagkuha ng permit kumpara sa da- ting oras ang itinatagal.

Sinabi ni Mayuga sa ba­gong sistema, isang window o cashier na lang ang pagba­bayaran ng iba’t ibang fees para sa Fire Safety Inspection Certificate, Zoning Permit, Sanitary Permit, garbage fees, at iba pa.

“Unlike before, you have to go first to different offices and windows to apply for and pay for permit fees, now you just have to queue in one window, one cashier. Isahang pila na lang, lahat, ” ani Mayuga.

Dagdag pa ni Mayuga, mawawala na rin ang mga  fixers sa lugar na nagsasa­ga-wa ng kanilang  transaksyon.

Mula 2014, patuloy aniya ang pagtaas ng bilang ng mga bagong establisimyento na nagbubukas sa Maynila kaya’t patuloy din ang pagtaas ng kita ng lungsod sa pamamagitan ng tax at business fees.Noong 2015, 6,743 bagong negosyo ang nagbukas sa lungsod, at 9,165 naman sa 2016, ayon pa kay Mayuga.

Sa kabuuan, umabot sa 54,242 Mayor’s Permit ang inisyu ng Bureau of Permit nitong 2016, kumpara sa mahigit 53,000 lang noong 2015.

FORTUNE MAYUGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with