^

Metro

VM Joy B., nanguna sa graduation ng 100 drug surrenderees sa QC

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinangunahan ni Quezon­ City Vice Mayor Joy Belmonte ang isinagawang gra­duation ng may 100 drug surrenderees na sumailalim sa community base rehabi­litation program ng QC Anti Illegal Drugs and Abuse Advisory Council (QCADAAC) sa Amoranto theater kahapon.

Sinabi ni Vice Mayor Belmonte na ang mga nagsipagtapos kahapon sa naturang programa ay unang batch pa lang mula sa 10,000 drug surrenderees ng QC na nagpasailalim sa proyekto na may 12 sessions.

“QC pa lamang ang gumawa ng proyektong ito na ang ating mga drug surrenderees ay ating tutulungan sa abot ng ating makakaya para sila ay magkaroon ng magandang buhay. Sila ay yaong mga hindi pa lulong sa droga na nais mag­bago”, pahayag ni Belmonte.

Anya, may 500 trabaho­ ang naghihintay sa mga drug surrenderees para magka­­tra­baho sa San Miguel Corpo­ration para mag­katrabaho sa itatayong MRT 7 at ang iba naman ay bibigyan ng trabaho ng iba pang private sector na kanyang kausap at ang karamihan naman sa mga kababaihan ay napa­pag­kalooban ng maliit na ne­­gosyo sa ilalim ng ‘Tinda­han ni Ate Joy’ at ang iba naman ay hinahasa ng TES­DA sa ibat-ibang uri ng trabaho para mabigyan din ng hanapbuhay sa private sector tulad ng call center at clerical jobs.

Sinabi ni Belmonte na ang mga drug surrendeeres na sumailalim sa rehab program ay iba pa sa mga drug dependents na inaalagaan ng tanggapan na nasa ‘Taha­nan Rehabilitation Center at mga kabataang nalululong sa droga­ na kinakanlong sa apat na Special Drug Education Center.

Ang ilan naman anyang drug dependent ay isinasa­ilalim sa sports program upang maisentro dito ang kanilang panahon at maiwasan ang paggamit ng illegal drugs.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with