^

Metro

Paslit sugatan sa ligaw na bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sugatan ang 3-taong gulang na batang babae nang tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril ng kanilang kapitbahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Me­morial Medical Center (GABMMC) dahil sa tinamong bala sa kaliwang hita at ka-liwang kamay  ang bik­timang si Rosemarie Lopez, residente ng Building 30, Aroma Compound, Tondo, sakop ng Barangay 105,  Zone 8.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Jerico Bajar alyas “Joshua”,  residente rin ng Building 30, Aroma Compound.

Sa ulat ni PO2 Jolito Ra­mones ng Manila Police District-Station 1, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Aroma Compound, sa tapat ng bahay ng biktima.

Naglalaro sa labas ng bahay ang biktima  nang nagkataong may hinahabol umano ang suspek na arma­do ng ‘di pa tukoy na kalibre ng baril.

Nagpaputok umano ang suspek subalit sa halip na ang hinahabol ang tamaan, ang biktima ang  tinamaan.

Tumakas ang suspek nang makitang ang bata umano ang kaniyang tinamaan.

GABMMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with