379 DUI sa Metro Manila, nalutas
MANILA, Philippines - Umaabot sa 379 kaso ng Death Under Investigation (DUI) na itinuturing ng mga kritiko na extra judicial killings ang naresolba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) .
Sa kabila naman ng mataas na mga insidente ng DUI’s sinabi ni Albayalde na nararamdaman ng mga Pinoy sa Metro Manila na ligtas sila dahilan sa pinaigting na police visibility operations lalo na sa mga lugar na pinamumugaran ng masasamang elemento.
“ Marami na po tayo nalutas dun sa mga sinasabing EJK o DUI dito sa Metro Manila”, ani Albayalde simula ng ilunsad ang pinaigting na giyera kontra droga.
Ayon kay Albayalde, na-ngangahulugan ito na karamihan sa mga kaso ay naisampa na sa korte at natukoy na ang mga suspek. Sinabi pa nito na kabilang dito ay ang mga drug personality na napatay ng NCRPO operatives sa lehitimong shootout at ang iba naman bagaman natukoy ay patuloy na pinaghahanap matapos na magsipagtago sa batas.
Lumilitaw rin sa imbestigasyon na karamihan sa mga kaso ng DUI ay mga kriminal na pinaslang sa kani-kanilang mga barangay na natukoy na mga sangkot sa pagtutulak ng droga, robbery/holdup at iba pang uri ng illegal na aktibidades.
- Latest