Vigilante utas sa anti-crime operation
MANILA, Philippines - Patay ang isang dating miyembro ng Confederate Sentinel Group (CSG) at kilalang holdaper nang makipagputukan sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 1, sa isinagawang anti-criminality operation, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing suspek na si Santi Ramirez, 39, residente ng Building 9, Unit 51, Aroma Temporary Housing sa Tondo.
Sangkot umano ang suspek sa vigilante killings bilang mi-yembro ng CSG sa Tondo at ang mga biktima umano ay may kaugnayan sa drug trade, robbery at snatching.
Sa ulat ni P/Supt. Robert Domingo, hepe ng Manila Police District- Station 1, dakong alas-11:00 ng gabi nitong Biyernes nang magsagawa ng operation ang kaniyang mga tauhan sa Station Drug Enforc ement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Senior Insp. Edwin Fuggan, sa erya ng Aroma Compound, sa Tondo kaugnay sa patuloy na bentahan ng iligal na droga at holdapan nang maka-enkuwentro ang suspek.
Pagala-gala umano ang suspek sa lugar kung saan sisitahin na sana ito ng mga operatiba. Papalapit pa lamang sa kaniya ang mga pulis habang nasa tapat ng Building 22 ng Temporary Housing, sa Aroma Compound ay agad itong nagpaputok ng baril gayunman ay walang tinamaan sa mga operatiba.
Nang resbakan ng putok ang suspek ay agad itong bumulagta. Nakuha mula sa suspek ang ginamit na kalibre 38 baril, dalawang plastic sachet ng shabu at mga drug pharaphernalia.
- Latest