7 kotong cops ng mga vendors kinasuhan na!
MANILA, Philippines - Ipinagharap na ng reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Manila City prosecutors office ang pitong pulis Maynila na isinasangkot sa pangingikil sa mga vendors.
Kinilala ni Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel, ang mga kinasuhang pulis na sina SPO2 Marvin Velasquez, SPO2 Rommel Alfaro, PO3 Leo de Jose, PO3 John John David, PO2 Romeo Rosino, PO1 Ronnie Boy Alonzo at PO1 James Paul Cruz.
Sinabi ni Coronel na bukod sa kasong kriminal nahaharap din ang mga nasabing pulis na pawang nakatagala sa Station 5 ng MPD sa kasong administratibo.
Iniimbestigahan na anya ng PNP Internal Affairs Service ang administrative aspect ng reklamo sa mga ito habang isinasailalim na sa retraining sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Ang kaso sa mga ito ay kaugnay ng reklamo ng mga vendors sa Ermita, Maynila na kinokotongan umano ng mga nasabing pulis.
- Latest