Door-to-door na pagbabakuna sa mga alagang hayop sa Taguig
MANILA, Philippines - Pagod ka na bang kargahin ang mabigat mong alagang hayop mula sa iyong bahay sa Taguig patungo sa pinakamalapit na beterenaryo para mabukanahan? Wag nang mag-alala at ang bete-renaryo na ang pupunta sa bahay ninyo.
Kaugnay sa paggunita ng Rabies Awareness Month, ang mga beterenaryo mula sa Taguig City Veterinary Office ay magsasagawa ng pagbisita sa mga kabahayan sa lungsod upang bakunahan ang mga alagang hayop.
Sinimulan noong taong 2014, ang pagbibisita at pagbabakuna sa mga alagang hayop laban sa rabies ay naisasagawa na sa lahat ng 28 na bara-ngay ng lungsod.
Ayon kay Dr. Ale-xis Siblag, pinuno ng Taguig City Veterinary Office, inilunsad din noon nakaraang Marso ang Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) matapos malaman sa isang census na mayroong 57,000 na aso sa lungsod.
“Sa pagkontrol sa rabies, kailangan mong bakunahan ang 70 porsyento ng kabuuang populasyon para maialis ang rabies,” saad ni Dr. Siblang. Ayon kay Siblang, sa pamamagitan ng TCARD, maaring ipabakuna laban sa rabies ang lahat ng alagang hayop sa isang bahay.
“Tinatayang 900 na alagang hayop ang nababakunahan sa isang barangay kada araw,” sabi ni Siblang. Sa loob ng isang buwan ay mababakunahan din ang lahat ng alagang hayop sa natitirang 24 barangays, dagdag ni Siblang.
Ayon pa kay Siblang, balak din nilang lagyan ng “tags” ang lahat ng alagang hayop sa Taguig. Sa ngayon, ang Taguig City Health Office ay mayroong Animal Bite Treatment Centers (ABTC) sa Brgy. Ibayo-Tipas at Brgy. North Signal.
Ang dalawang ABTC ay handang gamutin ng libre ang lahat ng taga-Taguig na nakagat ng isang hayop na may rabies.
- Latest