^

Metro

Traffic congestion fee, inalmahan ng mga motorista

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inalmahan kahapon ng ilang motorista ang plano ng Me­tro­politan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng “congestion pricing o traffic congestion fee” sa ilang pangunahing lansa-ngan ng Kalakhang Maynila  tulad ng EDSA para maibsan ang matindinng trapik.

Nabatid kahapon sa ilang pribadong motorista, na madalas na bumabagtas ng EDSA, na hindi  sila pabor sa planong ito ng MMDA dahil magiging daan aniya ito ng panibagong  corruption sa kalsada.

Kung saan hindi aniya ma­katwiran ang planong ito na pagbabayarin ang mga motoristang dadaan sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila lalu na sa EDSA, dahil pampublikong lansangan ito at ang lahat ay may karapatang dumaan.

Ang pondong tinustos sa pagpapagawa ng mga lansangan ay mula sa buwis ng taumbayan.

Kung tutuusin aniya, bukod pa dito ay nagbabayad pa  sila ng road user tax kapag nag-paparehistro  ng sasakyan.

Ayon pa sa mga moto­rista, napakarami aniya ng batas trapiko na ipinatutupad ang MMDA, na  lalu naman aniyang tumitindi ang trapik  sa Metro Manila, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nila ito nasosolusyunan.

Ang pag-alma ng ilang pribadong motorsita ay hinggil sa hakbangin ng MMDA na pinag-aaralan nilang magkaroon ng bayad sa ilang pangunahing lansangan lalu na sa EDSA.

Kung saan nais ng MMDA na i-adopt ang “congestion pricing o traffic congestion fee” na pinatutupad  ngayon sa  bansang Singapore.

Kung saan handa aniyang tumulong ang bansang Singapore sa MMDA para sa naturang panukala.

“The Singapore government has given its offer to help us. This is government to government consultation. People say we lack public transport but we cannot just wait for it, we need to come up with solutions,”  ani MMDA General Manager Tim  Orbos.

Sa plano ng MMDA ay ha­­ngad nilang lumuwag sa masikip na trapiko ang Metro Manila lalu na kapag “rush hour”.

Inamin ni Orbos, na kailangan ng pamahalaan ang “state of the art facilities” bilang requirement   para sa  congestion pricing scheme. “There should be scientific and accurate volume count on Edsa, collection of fee, among others,” dagdag pa ni  Orbos.

Nabatid, na ang “congestion pricing o traffic congestion fee” ay para lamang aniya sa mga pribadong behikulo at exempted dito ang mga pampublikong behikulo.

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with