Transport group na hindi sumama sa tigil-pasada pinarangalan ng DOTr
MANILA, Philippines - Pinarangalan kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang mga transport group at mga kompanya ng bus na hindi lumahok sa dalawang magkasunod na tigil-pasada na isinagawa noong nakaraang buwan.
Idinaos ang pagbibigay parangal sa Camp Aguinal-do Grandstand and Parade Grounds, dakong alas-8:00 ng umaga kung saan, mahigit 30 bus operators at pitong transport groups ang pinasalamatan ni DOTr Sec. Arthur Tugade.
Maliban sa hindi pakikilahok sa tigil-pasada noong February 6 at 27, ay nagbigay din sila ng tulong sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanilang bus units para sa libreng sakay.
Kabilang sa pinarangalan ng DOTr ang grupong ACTO, ALTODAP, FEJODAP, LTOP, PASANG MASDA, CODE-X at 1-UTAK.
Habang mahigit 30 bus operators din ang kinilala dahil sa pagpapahiram nila ng kanilang bus units para magamit sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong naapektuhan ng transport strike.
Pinasalamatan din ni Tugade ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tumulong para bigyan serbisyo ang publiko.
- Latest