^

Metro

2 traffic enforcers huli sa kotong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga ope­ratiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang dalawang traffic enforcers matapos ireklamo ng pangongotong sa mga motorista sa entrapment operation sa Pasig City nitong Huwebes ng gabi.

 Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt.  Chiquito Malayo ang mga naarestong suspect na sina PO3 Higino Dancel at SPO1 Johan Vega ng Traffic Division ng Pasig City Police.

 Bandang alas-6:05 ng gabi ayon kay Malayo nang masakote ang dalawang traffic enforcers sa  kanilang tanggapan sa Brgy. Caniogan sa lungsod ng Pasig matapos na ireklamo ng mga motoristang nabiktima ng mga ito.

 Ayon sa imbestigas­yon, hinihingan umano ng dalawang parak ng P10,000 ang ka­nilang huling biktima kapalit ng traffic investigation report para sa insurance claim ng nabangga ng mga itong sasakyan gayong ito’y libre lamang na ibinibigay. 

Nang mabatid ang insidente ay agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nahuli sa akto ang dalawang parak habang tinatang­gap ang P10,000 marked money.

Hindi na nakapalag ang mga ito matapos na arestuhin ng mga pumosteng CITF ope­ratives at narekober sa mesa ng dalawang parak ang marked money na ginamit sa operasyon.

Ang dalawang pa-saway na traffic enfor-cers ay dinala na sa tanggapan ng PNP CITF Headquarters sa Camp Crame.

 Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng kotongerong traffic enforcers.

PNP-CITF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with