^

Metro

Konstruksyon ng gusali, pinatigil dahil sa paglabag sa building code

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos lumabag sa Building Code, ipinahihinto ng Quezon City government ang konstruksyon ng isang gusali dahil sa kawalan ng building permit sa pagpapatayo nito.

Nabatid ito matapos mag­palabas si Engr.Isagani R.Verzosa, Jr. hepe ng Department of the Building Official ng cease and desist order laban sa 5 storey commercial building na matatagpuan sa Regalado Highway, Novaliches, Brgy. Fairview sa lungsod.

Ayon sa isang pahinang kautusan ni Engr. Verzosa, Jr., nitong nakalipas na Peb­rero 15, 2017 ang naturang commercial building ay luma­bag umano sa Section 301 (kawalan ng Building Permit), Section 309 (kawalan ng Certificate of Occupancy) ng P.D. 1096 na mas kilala sa National Building Code of the Philippines.

Sinabi pa sa kautusan bukod sa pagpapatigil ng konstruksyon ng naturang gusali maaari ring maharap sa legal action ang may-ari ng naturang gusali dahil sa paglabag sa batas.

Ayon kay Atty.Freddie V.Lilagan chief ng Investigation and Adjudication Division ng Department of Building Official ng Quezon City,  base sa kanilang isinagawang inspeksyon wala umanong Building Permit ang itinata-yong hotel sa lugar.

Nauna rito, magugunitang iniulat na ang naturang gusali ay wala umanong Fire Safety Evaluation Certificate (FSEC) mula Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City na isa sa pamantayan ng Fire Code.

 

vuukle comment

BUILDING CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with