^

Metro

Barangay health volunteer, binuo sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Upang masigurong nakakarating ang serbisyong medikal ng pamahalaang lungsod sa malalayong mga komunidad, bumuo si Manila Mayor Joseph Estrada ng isang grupo ng medical volun­teers upang maipatupad ang “Reach Every Purok” (REP) outreach program.

Nakipag-ugnayan si Estrada sa Department of Health (DOH) at United Nations International Children’s Fund (UNICEF) sa pagsasanay at pagtatalaga ng mga tinatawag na Barangay Health Volunteers (BHVs).

Ang bawat miyembro ng 450 kataong volunteer group ay sumailalim sa anim na buwan na pagsasanay, ayon kay Estrada, na aniya’y magiging katuwang ng mga doktor, barangay health workers, at mga opisyal ng barangay.

Ang bawat medical volun­teer ay bibigyan ng sariling payong, bota, water containers, at basic medical supplies na makakatulong aniya sa pagpunta nila sa mga mahirap na marating na komunidad ng lungsod.

Isang BHV ang itatalaga sa bawat dalawang barangay kung saan uunahin ang mga pinakamahihirap na komunidad tulad ng Parola, Vitas, Dagupan, Barrio Fugoso, Barrio Magsaysay, San Nicolas, V. Fugoso, Dimasalang, Mabini, San Sebastian, P. Gil, San Andres, Intramuros and BASECO.

Pangunahing layunin ng REP ang tiyaking mababakunahan ang bawat bata sa lungsod, lalo na ‘yung mga sanggol hanggang dalawang taon, ayon pa kay Yson.

Dagdag naman ni Jose Mari Castro ng DOH, tungkulin din ng mga BHV na pumunta sa bahay ng mga residente upang siguruhing naaalagaan nang mabuti ang mga bata, lalo na ‘yung may mga sakit.

 Ayon naman kay Dra. Carlo Orosco of UNICEF, milyun-milyong bata talaga sa buong bansa ang hindi nababakunahan kahit sa mga lungsod tulad ng Maynila.

Isa sa maaaring dahilan aniya nito ay kulang ang kaalaman ng mga magulang sa mga libreng serbisyong medikal sa kanilang komunidad o ang kakulangan mismo ng mga barangay health centers at ospital, lalo na sa mga liblib na lugar.

REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with