^

Metro

Bistek, pinakikilos ng LCSP sa kaso ng mga biktima ng field trip tragedy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng pamunuan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay QC Mayor Herbert Bautista na mabigyan ng certificate of indigency ang mga kapamilya ng mga biktima ng field trip tragedy na kumitil ng 14  na mag-aaral at sa driver ng bus noong Lunes.

Ayon kay LCSP founder Ariel Inton ito ay upang ma­gamit ang sertipikasyon sa  pagsasampa ng kasong sibil  sa korte ng mga naulila sa trahedya laban sa BestLink College of the Philippines at  Panda Coach Tour.

Sinasabi ni Inton na hindi kaya ng mga namatayang pamilya ang gastusin sa pagsasampa ng kaso sa korte kaya’t kung may certificate of indigency ay magagamit nila ito na makapagsampa ng ‘‘pauper litigant suit’’ at daan para  malibre sa docket fee.

Katulong ni Inton si QC Councilor Toto Medalla na siyang chairman ng Committee on Transportation sa QC council na nagkakaloob ng ayuda sa mga taga QC na biktima ng aksidente.

Ang Panda Coach Tour ang inarkila ng naturang paara- lan para sa paghahatid sundo sa kanilang mga mag-aaral para sa camp tour sa Tanay Rizal.

BISTEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with