^

Metro

Parusa, multa sa smoking ban violators, mas pinabigat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas mabigat na paru­sa at penalty ang kakaharapin ng mga smoking ban violators sa Maynila.

Dahil hindi umano sapat ang ipinatutupad na P500 na multa at dalawang araw na pagkakakulong.

Ito ang inihayag ni Manila  Mayor Joseph  Estrada  kasabay nang pagsasabing hindi umano sapat ang ipinatutupad na P500 na multa at dalawang araw na pagkakulong sa mga lalabag sa anti-smoking ordinance ng lungsod.

“We will increase the  fine up to P1,000, or P2,000 up to P3,000 with impri-sonment. May kasamang imprisonment from one day up to 10 days,” babala ni Estrada. 

Ayon kay Estrada, pina­mamadali na niya sa Sangguniang Panglungsod ang pagpasa ng Draft Ordinance No. 7812 na magta­takda ng mas mataas na multa sa mga lalabag sa smoking ban o sa indibi­du­wal na hindi mapigilang manigarilyo sa mga pinagbabawal na lugar.

Pinagbabawal ng nasa­bing ordinansa ang panini­garilyo sa mga ospital, pa­ara­lan, public buildings, shopping malls, at iba pa, maging sa mga pampubli­kong sasakyan, sa lungsod.

Sa city hall, sa mga gates na lang ng Arroceros, Taft Avenue at Free­dom Triangle maaaring manigarilyo.  

PARUSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with