^

Metro

Condom sa schools: ‘No way’sa QC govt.

LEGAL CORNER - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa tinutulan nina Que­­zon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang planong pa­-ma­­mahagi ng condom sa mga paaralan sa Quezon City.

Anila, may masamang epekto sa mga kabataang mag-aaral kung ngayon pa lang sa murang kaisipan ay mamumulat agad sa paggamit ng condom.

Kaugnay nito, inatasan ni Bautista ang QC Health department  na huwag pahintulutang makarating sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ang ipamamahaging condoms ng Department of Health.

 Sinasabing payag ang QC govermment na gamitin ang QC public health facilities para sa kampanyang maiwasan ang paglaganap ng sakit na AIDS lalu na sa mga kabataan sa lungsod sa pamamagitan ng pamamahagi ng condoms,  pero hindi papayag ang lokal na pamahalaan na maipamahagi ang condoms sa mga paaralan.

Kaugnay nito, niliwanag naman ng QC epinemiolo­gy and Surveilance unit na walang pamamahagi ng condoms sa mga public schools sa QC, bagamat sinabi kamakailan ng DOH na sisimulan nila ang pamamamahagi nito sa lungsod.

CONDOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with