^

Metro

Paglalaan ng discount sa mga elderly at solo parents sa QC,isusulong ni VM Joy B

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na isinusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagpapatupad sa naaprubahang ordinansa ng konseho sa lungsod na nag­­lalaan ng diskuwento sa pagbabayad ng real property tax sa mga senior citizen at  solo parent.

Ayon kay Vice Mayor Bel­monte, ang ibibigay sanang dis­count sa pagbabayad ng mga nabanggit sa amilyar ay may malaking pakinabang para ma­ibsan ang gastusin ng mga ito mula sa pagbabayad ng buwis sa lokal na pamahalaan.

“I am very sorry to our senior citizens and solo parents. We tried our best to appeal to our mayor to reconsider his vetoes through a letter, citing the fact that the reasons given to justify the vetoes were flawed as our legal team argued,” pahayag ni Belmonte.

Noong December 13, 2016 ay nag-apruba ang QC council sa ikatlo at huling pagbasa sa ordinance 20CC-41 na nagtataas ng singil sa real pro­perty tax sa mga private lots at sa mga itinatayong gusali sa lungsod alinsunod sa ipinaiiral ng Local Government Code. Nakasaad din dito ang pagkakaloob ng 10 percent discount sa bayarin sa real property tax ng mga senior citizens at 5 percent naman solo parents, pero ang bagay na ito ay hindi inaprubahan ni Bautista na maipatupad dahil daw sa ilang teknikalidad at magbubunsod lamang ng pagpili sa sector na makikinabang  sa batas.

“Why can’t the local government do the same, especially since the city is awash with funds and can afford a little compassion, sabi hindi daw namin ito na e-publish on time, its not necessary under the local govt code, kapag ang isang tax measure ay naaprubahan na ng matagal ay kailangan na agad itong ma­ipatupad.” dagdag ni Belmonte.

Sa ngayon ani Belmonte, gumagawa siya ng mga paraan na matulungan ang mga senior citizen at solo parents na makapag-pagamot sa QC run hospitals na may mababang ba­­yarin upang makaluwag luwag sila sa kanilang gastusin.

 

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with