^

Metro

Piskal sa QC, patay sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Piskal sa QC, patay sa ambush
Ang sketch ng gunman na nakapatay sa piskal na si Johanne Noel Mingoa ng Quezon City.

MANILA, Philippines – Patay ang isang piskal  ng Quezon City matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang kotse habang ang una ay nagla-lakad patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan sa Commonwealth Avenue sa lungsod kahapon ng mada-ling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Ciminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nakilala ang biktima na si Johanne Noel Mingoa, 46, assistant City prosecutor sa lungsod at residente ng Mapagkum­baba St., Brgy. Sikatuna Village, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerome Dollente, may-hawak ng kaso, ang mga suspek ay sakay ng isang kotse na walang plaka na mabilis na tumakas makaraang isagawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang tindahan ng lechon na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, QC, dakong ala-1:20 ng madaling araw.

Naglalakad umano ang biktima na may kausap sa cellphone patungo sa kanyang nakaparadang Mitsubishi Montero na malapit sa kanila.

Ilang sandali, isang kotse ang biglang sumulpot at huminto ilang metro ang layo mula sa biktima at bumaba ang pasahero nito, pagka-tapos ay nagbunot ng baril  at pinagbabaril ang huli hanggang sa masawi.

Matapos ang pamamaril  ay sumakay ang gunman sa kot­se at sumibat patakas patungo sa direksyon ng Fairview.

Base sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, narekober ang 14 na piraso ng basyo ng bala ng kalibre .45, at isang tingga, habang sa cursory examination naman  ay lumabas na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima.

Samantala, agad namang ipinag-utos ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar sa CIDU ang masusing imbestigahan sa insidente.

Pinababatid din nito kung may nakakabit na CCTV sa lugar at maging ang cell-phone ng biktima ay pinasusuri na rin sa CIDU upang makakuha ng posibleng impormasyon na maaaring maging giya sa pagtukoy sa salarin. Tinitignan din ng pulisya  kung may kina­laman sa kanyang trabaho ang motibo ng nasabing pa­­mamaril.

Samantala inutos din ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na imbestigahan ng NBI ang pagpatay sa kay Mingoa na dating nagtrabaho sa kanya noong pri­vate lawyer pa ito.

Mariin namang kinonde­na ni Aguirre ang pagpas­lang sa prosecutor na inilarawan niyang “very competent litigator.”

Si Mingoa ay isa umano sa mga associate lawyers ni Aguirre. Dagdag ulat ni Doris Franche- Borja

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with