British philanthropist, tuturuan ang mga Pinoy sa negosyo
MANILA, Philippines – Upang makatulong sa pag-angat ng ekonomiya, bumisita kahapon sa bansa ang isang British philanthropist at international speaker, na multimillionaire trader para magbigay ng dagdag kaalaman at seminar sa mga Pinoy sa pamamagitan nang pagpapaunlad sa larangan ng negosyo.
Ang philanthropist ay si Greg Secker, may-ari ng isa sa mga nangungunang trader education company sa bansang Great Britain. Nabatid na mula NAIA ay nagtungo ito sa isang five star hote sa Bonifacio Global City (BGC) kung saan humarap ito sa mga mamamahayag upang ipagbigay alam nito ang pakay sa Pilipinas.
Ayon dito, sa unang pagkakataon aniya ay pangungunahan nito ang paglulunsad sa Pilipinas ng makabagong series ng complimentary trading seminars at upang turuan ang mga Pinoy na magkaroon ng agarang pagkakakitaan mula sa trading ng currency markets.
Nabatid, na magsasagawa sila ng mga seminar sa ilang panig ng bansa, tulad sa Metro Manila at Cebu at para aniya sa mga interisadong nais dumalo ay maaari silang magparehistro sawww.learntotrade.com.ph.
Sa nakalipas aniya na 12 taon, nasa 200,000 ng katao ang nakadalo sa kanilang trading at workshop seminars sa ibat-ibang panig ng mundo at dahil dito ay naging finalist si Secker sa 2010 London Excellence Award.
- Latest