QC walang holiday sa pagkolekta ng basura
MANILA, Philippines - Dulot ng patuloy na pagtaas ng volume ng mga basura ngayong holiday season, patuloy na kokolektahin ng mga tauhan ng Environmental Protection and Waste Management Department ng QC Hall ang mga basura ng mga taga lunsod kahit holiday.
Sinabi ni EPWMD head Frederika Ren- toy, tulad noong December 25 ay ganun na kokolektahin ang basura ng mga taga QC sa January 1 gayundin sa January 2 na deklaradong holiday.
Anya, prayoridad naming makuha ang mga basura na nasa main road sa panahon ng operasyon.
Sinabi ni Rentoy na may itinalaga siyang skeletal force para kumuha ng basura sa mga kabahayan at iba’t ibang establisimiento sa panahon ng holiday.
Pinayuhan naman nito ang mga tauhan na bawal ang manghingi ng pera sa mga residente dahil trabaho nila ang mangolekta ng basura sa mga taga lungsod.
- Latest