^

Metro

410 panibagong SAF troopers, idineploy sa Bilibid

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
410 panibagong SAF troopers, idineploy sa Bilibid

Upang maiwasan ang ‘unholy alliance ‘sa mga nakapiit na drug lord at mga prison guards,  nagdeploy  kahapon ng panibagong 410 Special Action Force (SAF) troopers ang Philippine National Police (PNP) sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang ‘unholy alliance ‘sa mga nakapiit na drug lord at mga prison guards,  nagdeploy  kahapon ng panibagong 410 Special Action Force (SAF) troopers ang Philippine National Police (PNP) sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City .

 Nitong Biyernes ng uma­ga, pinangunahan ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa  ang deployment ng 410 mga bagong SAF troopers  kapalit ng 310 mga SAF commandos na una nang pinagbantay sa nasabing piitan noong Hulyo  20  ng taong ito .

Ang SAF commandos ay itinalagang taga-bantay sa NBP upang sawatain ang illegal drug trade sa piitan gayundin ang pagpasok ng mga illegal na kontrabando.

 “This is a system where we can avoid undue familiarity between the inmates and the SAF troopers, even if these men are highly disciplined…human as they are, there are still chances or possibility that they will give in, they might get tempted if they stay too long,” pahayag pa ng PNP Chief.

Sinabi ni dela Rosa na maaring manatili ang SAF troopers  upang mangalaga sa seguridad at magbantay sa NBP hanggang kinakailangan ang mga ito

Inihayag ni dela Rosa na ang problema sa NBP ay sanhi ng kakulangan ng integridad ng mga dating nagbabantay dito kaya nagtake-over ang SAF commandos.

Sa kabila nito, aminado naman si dela Rosa na hindi sila sigurado kung  100 %  na ng mga kontrabando  partikular na ang cellular phone at illegal drugs  na naipuslit sa NBP compound ng mga high profile inmates ay naharang at nasamsam ng mga SAF commandos .

 Idinagdag pa ni dela Rosa na hindi masasawata ang smuggling ng mga kontrabando sa NBP hanggang hinahayaan ng mga opisyal na nangangasiwa dito ang pagpasok ng mga bisita  kung saan ay dapat ang mga itong naghihigpit.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with