^

Metro

PNP, AFP nakaalerto sa ‘Black Friday’ protest

SECOND WIND - Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
PNP, AFP nakaalerto sa ‘Black Friday’ protest
Nakaalerto na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng ikinakasang malawakang ‘Black Friday ‘ protest ngayong araw (Nobyembre 25) at ma­ging sa Nobyembre 30 ng mga anti-Marcos group na tutol ilibing ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Philstar.com, file photo

MANILA, Philippines - Nakaalerto na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng ikinakasang malawakang ‘Black Friday ‘ protest ngayong araw  (Nobyembre 25) at ma­ging sa Nobyembre 30 ng mga anti-Marcos group na  tutol ilibing ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos  sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon kay NCRPO Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde nakalatag na ang lahat ng security measures  na kanilang ipatutupad upang tiyakin  na iiral ang peace and order sa nasabing kilos protesta.

Inihayag ni Albayalde na magde-deploy din sila ng sapat na bilang ng mga pulis  sa venue ng mga idaraos na malawakang kilos protesta sa Metro Manila.

Umapela naman ang he­neral sa mga organizers ng mga  anti-Marcos protesters na isagawa ang kanilang kilos protesta  ng mapayapa at  iwasan ang maging bayolente.

Sa panig ng AFP, sinabi naman ni Col. Edgard Arevalo, Chief ng AFP Public Affairs Office na nakahanda na rin ang  200 sundalo ng AFP Joint Task Force–National Capital Region na naka-standby sa Camp Aguinaldo at handang tumulong sa puwersa ng PNP sa pagmimintina ng seguridad sa  naturang malawakang mga kilos protesta.

Aabot sa 400 ang bilang  ng kapulisan ang itatalaga ng Southern Police District (SPD) para sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City, ayon  kay SPD director, Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., nakaalerto ang kanilang pwersa hinggil sa deklarasyon ng mga magpoprotestang anti-Marcos  ngayong araw na tinawag nilang “Black Friday”.

BLACK FRIDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with