^

Metro

Camp Aguinaldo bubuksan na sa motorista para makatulong sa malalang trapik

Sugilanon - Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Camp Aguinaldo bubuksan na sa motorista para makatulong sa malalang trapik
Upang makatulong sa malalang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA, Katipunan Avenue at C-5 partikular na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, nakatakdang buksan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang gate sa Camp Aguinaldo para makadaan sa alternatibong ruta ang mga pribadong motorista .
File photo

MANILA, Philippines - Upang makatulong sa malalang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA, Katipunan Avenue at C-5 partikular na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, nakatakdang buksan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang gate sa Camp Aguinaldo para makadaan sa alternatibong ruta  ang mga pribadong motorista .

Ayon kay Lt. Col. Enriquito Deocadez, Assistant Chief of Staff for Operations ng  General Headquarters and Headquarters Support Command (GHQ&HSC) ang nasabing hakbang ay  bilang bahagi ng sakripisyo ng militar para maibsan ang malalang problema sa trapiko.

“We sacrifice that (security) just to ease the traffic. But, of course, we should stick to camp rules and regulations. We will be in-charge of the security…definitely we will beef up,” pahayag ni Deocadez.

“We will control that (vehicles going around the camp), we will deploy additional military police,” punto pa ng opisyal.

Nilinaw nito na ang mga pribadong behikulo na nabigyan ng gate pass ang maaaring makadaan sa Camp Aguinaldo kung saan ang mga bubuksan para maging alternatibong ruta ng mga ito ay ang Gate 3, Gate 5 at Gate 6.

Ang hakbang ay bahagi naman ng pagsusumikap ng Inter-Agency Council on Traffict (I-ACT) para maibsan ang malalang problema ng trapiko sa Metro Manila lalo na sa kahabaan ng EDSA, Katipunan at C5.

Nabatid na bubuksan lamang sa mga pribadong motorista ang Camp Aguinaldo ngayong Yuletide Season hanggang Enero 9 na maaring palawigin hanggang Enero 15 ng susunod na taon .

 “The public will be given the privilege to enter these grounds para po maibsan ang traffic in this area”, pahayag naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas Orbos.

Ang mga opisyal ng MMDA ay nagsagawa ng ocular inspection kahapon  sa Camp Aguinaldo para sa naturang hakbangin.

Samantalang bunga naman ng usapin ng seguridad ang mga may ari ng pribadong behikulo ay kailangang kumuha muna o mag-apply ng access card o gate pass sa Camp Aguinaldo na mag-uumpisa na sa Nobyembre 21 ng taong ito at matapos ito ay maari na ang mga itong dumaan sa loob ng punong himpilan ng AFP para sa alternatibong ruta.

Nabatid na ang Camp Aguinaldo ang magsisilbing short cut sa mga pribadong behikulo galing Katipunan patungong EDSA Santolan, vice versa sa Quezon City.

Inaasahan namang 200 behikulo ang mababawas sa volume ng mga dumaraang sasakyan sa nasabing mga lugar kada oras bunga ng nasabing hakbangin na nakikitang solusyon sa malalang daloy ng trapiko.

CAMP AGUINALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with