^

Metro

Obrero nagsalita ng masama, tinodas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang construction worker makaraang pagtulu­ngang bugbugin ng apat na kalalakihan na bumuwelta dahil sa masamang salita na binitawan niya sa isa sa mga huli habang siya’y  nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Quezon City kamakalawa.

Sa ulat ni PO3 Jim Barayoga, may-hawak ng kaso, nakilala ang nasawi na si Eric Flor y Sanchez, 21, binata ng Lot 3, Block 14, Phase 2, Tawid Sapa 2, Brgy. Kaligayahan sa naturang lunsod.

Arestado naman ang dalawa sa apat na mga suspek na sina Joseph Garcia y Viscara, 49, binata, food server; at Marvin Ray Garcia y Constantino, 27, binata, mga reisdente sa Block 1, Lot 1, Phase 1 sa naturang lugar.

Pinaghahanap pa habang isinusulat ito ang mga kasama nilang sina Richard Dales at Frank Dales na biglang tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may Sampalukan Tawid Sapa 2 ng nasabing barangay dakong alas 7:45 ng gabi.

Bago ito, nag-iinuman sa kanilang lugar ang biktima at testigong si Arjay Orquia kasama ang lima pang lalaki ng mapadaan sa kanila si Garcia.

Dito ay biglang nagbitaw ang biktima ng masakit na salitang “Joseph Pilay” kay Garcia na nagresulta sa mainitang pagtatalo at komosyon sa pagitan nilang dalawa.

Matapos nito, nagpasyang umalis ang biktima at ang isa pang testigong si Bon Ryan Tabianan sa lugar hanggang sa mapadaan sila sa bahay ni Garcia at kinompronta ang una kasama ang tatlo pang mga suspek.

Maya-maya ay biglang sinuntok ni Garcia ang biktima hanggang sa tumulong na rin sa pananakit ang tatlo pang suspek na malubhang ikinasugat ng huli.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit idineklara ring patay dahil sa tinamong hematoma sa kanyang ulo at sugat sa hita.

TINODAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with