^

Metro

Opisina ng minority councilors hindi kasama sa renovation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Usap-usapan ngayon sa city council ng Maynila ang hindi pagkakasama ng mga kwarto ng mga konsehal na nasa minority group sa mga ire-renovate.

Batay sa nakalap na dokumento, umaabot lamang sa 24 na konsehal na kasama sa majority group ang nakalista na ang  opisinang inookupa ay aayusin at ipapagawa.

Nakasaad sa dokumen­to na nagkakahalaga ng P2 milyon bawat isa ang halaga ng renovation ng opisina ng mga konsehal na kabilang sa majority group.

Ang bawat silid ay may sukat na 40-80 sq. meters at kung susumahin ay umaabot sa P48 milyon ang renovation ng 24 na tanggapan.        

Paliwanag ng nakapa­­nayam ng Pilipino Star Nga­yon na mas mahal pa uma­no ang renovation sa  isäng condominium. Lumilitaw na naglaan ng  pondo na P82 milyon mula sa Special Activity Fund para lamang  sa 24 na konsehal lamang ang   Office of the Mayor.

Giit pa ng  empleyado ng  city hall, mas makabubuti kung lahat ng opisina ng  konsehal ay ire-renovate upang hindi mapag-iwanan ang iba.

Apela ng mga empleyado, mas makabubuti kung personal na bubusisiin ni Manila Mayor Joseph Estrada ang proyekto.

RENOVATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with