^

Metro

Traffic advisory para sa bar exam, inilabas ng MDTEU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilabas  ng  Manila  District Traffic Enforcement Unit ang kanilang  traffic advisory para sa apat na Linggo ng Nobyembre na magsisimula bukas sa paligid ng University of Sto. Tomas (UST) sa Maynila.

Sarado sa  Nobyembre 6, 13, 20 at 27, 2016, ang ka­habaan ng Dapitan mula Lacson hanggang P. Noval Street mula 10:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, gayundin ang westbound ng España Boulevard mula P. Noval Street hanggang Morayta, mula naman 5:30 ng madaling araw hanggang 7:30 ng umaga.

Hindi rin maaaring daanan ang westbound ng Espa­ña Boulevard mula 3 ng hapon sa Nobyembre 27, na siyang huling araw ng eksaminasyon.

Sa re-routing scheme ng MDTEU ang mga sasakyang dadaan sa kahabaan ng Dapitan patungo sa Quiapo, ay maaaring kumanan sa Lacson, kaliwa sa Aragon Street, patungong A. Mendoza hanggang sa kanilang destinasyon habang ang lahat naman ng sasakyan na mula sa Nagtahan via Lacson at nais dumaan sa Dapitan Street, ay maaaring dumiretso at kumaliwa sa Aragon, diretso sa A. Mendoza hanggang sa lugar na patutunguhan nito.

Hindi rin papayagan ng MDTEU, ang mga motorista na magparada ng mga sasak­yan sa westbound lane ng España Boulevard mula sa Lacson Avenue hanggang P. Noval at southbound lane ng A.H. Lacson mula Dapitan Street hanggang sa España Boulevard.

Inabisuhan pa ng MDTEU, ang mga motorista na planuhin ang biyahe sa mga naturang araw at humanap na lamang ng alternatibong ruta, upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

 

TRAFFIC ENFORCEMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with