^

Metro

Makati City hall, iskul sa Quezon City, binulabog ng bomb threat

Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabulabog ang mga ka­wani ng Makati City at sanda­ling sinuspinde ang operas­yon nito dahil sa natanggap na “bomb threat” kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Ayon kay Richie Rodri­guez­, ng Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office, alas-9:56 ng umaga nang mataggap ang “prank call” mula sa hindi kila­lang lalaking caller na nagsabing may sasabog na bomba sa  naturang lugar.

Dahil dito kaagad na pina­labas ang mga kawani sa ka­nila-kanilang tanggapan.

Mabilis namang isinagawa ng pulisya ang inspeksyon sa gusali kung saan nagnegatibo ito sa bomba.

Alas-11:00 ng umaga ay bu­malik naman sa kanilang tra­­baho ang mga kawani at nag­balik normal na rin ang ope­­ras­yon nito.

Samantala, nabulabog  din ang mga mag-aaral at mga guro ng Don Alejandro Roces Sr., Science-Technology High School sa Quezon City matapos ang bantang pagpapasabog sa kanilang paaralan, ka­hapon.

Ayon sa ulat, unang ku­malat sa Facebook, na umikot sa mga estuyante at guro kahapon ng umaga sa pamama­gitan ng text messages, kung saan nakasaad na sa ganap na alas-2 ng hapon ay may ma­gaganap na pagsabog sa na­­sabing paaralan dahil nagsilid sila sa bag ng improvised bomb at ikinalat sa buong pa­aralan. Nagmula ang naturang­ mensahe sa isang nagpakila­lang Kreggo.

Agad namang rumisponde ang tropa ng Quezon City Police District (QCPD) bomb squad, kasama ang ilang K-9 unit at sinimulang inspeksyunin ang nasabing paaralan, dakong alas-6 ng umaga hanggang kalaunan ay napag-ala­mang negatibo ito.

Naniniwala naman si QCPD Acting District Director P/Senior Supt. Guillermo Elea­zar na ang banta ay gawa-gawa lamang ng mga manloloko o walang magawa sa buhay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with