^

Metro

Ina ng baby na itinapon sa basura, natunton na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ina ng baby na itinapon sa basura, natunton na
In an official letter from Washington, US President Barack Obama recognized Filipino-Americans across the US for the many ways they have enriched American society.
File photo

Kakasuhan ng frustrated infanticide 

MANILA, Philippines - Hawak na ngayon ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang ina ng sanggol na itinapon sa basurahan na kilala nga-yon sa tawag na “Baby Jade’’ makaraan ang ma­susing imbestigas­yon ng pulisya.

Sinabi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatcha-lian na nakaditine sa isang kuwarto ng Valenzuela City Emergency Hospital sa Brgy. Dalandanan habang nilalapatan din ng medikal na atensyon ang ina ng bata nang madiskubreng sumasailalim sa matinding depresyon at nilalapatan ngayon ng “neuropsychia-tric tests and counselling.”

Matatandaan na si Baby Jade ay natagpuan nitong Agosto 25 sa isang basurahan sa Jade Garden Townhomes sa Brgy. Marulas at nasa maselang kundisyon ngayon sa Caloocan City Medical Center.

Nabatid na nagbuo ng Task Force Baby Jade ang Valenzuela City Police makaraang ipag-utos ni Mayor Gatchalian na tutukan ang kaso. Agad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon sa lugar na kinatagpuan ng sanggol ang Task Force hanggang sa matukoy ang ina nang ituro ng mga residente.

Nakatakda namang sampahan ngayon ng kasong ‘frustrated infanticide’ sa piskalya ang ina na itinago sa alyas na “Mother Jade’’ habang iniimbestigahan ng pulisya ang anggulo na may iba pang taong sangkot sa krimen.

Nabatid naman sa mga manggagamot ng VCMC na unti-unti nang bumubuti ang kondisyon ni “Baby Jade’’ at inirekomenda na mailipat sa mas malaking pagamutan tulad ng Philip­pine Children’s Medical Center.

Nangako naman si Gat­chalian na itutuloy nila ang pagtustos sa pagpa­pagamot sa sanggol kahit na mailipat na ito ng pagamutan.

BARRACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with