^

Metro

Nagpanggap na mga pinoy at may hawak na Phil. passports 177 Indonesian nationals pinigil sa airport

Butch Quejada at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabuko at pinigil kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 177 Indonesian nationals na nagpanggap na mga Filipino at may hawak na Philippine passports bago pa man sila makaalis patungong  Madinah, Saudi Arabia.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, na bago ito, orihinal na minamanmanan ng kanilang intelligence division ang dalawang Pinoy na sinasabing umaaktong escorts sa grupo ng mga Indonesian na nakatakdang lumipad  ng Aug. 18 at Aug 19.

Labis silang nabigla nang matuklasan ang modus operandi ay mas malawak pala kung saan limang Pinoy ang nadiskubreng nag-e-escort sa may 177 Indonesians.

Nakatakda na sanang lumipad sakay ng PAL flight PR 8969 patungong Madinah, Saudi Arabia ang mga dayuhan at escort na mga Pinoy dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang matiktikan ang mga ito sa kanilang modus.

Lumilitaw na nagbayad umano ng $6,000-$10,000 ang bawat isa upang ma-ka-travel.

Nadiskubre na nabuko ang mga ito dahil hindi umano makapagsalita ng Tagalog, Maranao, Cebuano o Maguindanao  nang interbiyuhin ng mga tauhan ng BI. Tanging  salitang English lamang ang alam ng mga ito.

Hindi muna ibinunyag   ni Morente ang mga pa-ngalan ng Indonesians gayundin ang mga kasabwat na Filipino dahil iniimbes-tigahan pa ang mga ito. 

Batay sa inisyal na im­bes­­tigasyon, binigyan ng Phi­lip­pine passports ang mga Indonesians upang makasama sa quota ng Filipino pilgrims na sasa­ma sa Hajj pilgrimage ng  Saudi government. Wala na umanong Hajj slots para sa Indonesians.

Pumasok sa bansa isa-isa nitong mga nakaraang linggo ang mga Indonesian bilang tourist sa pag-aasikaso ng mga Filipino escorts.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with