^

Metro

Cebu drug lord, bodyguard utas

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Shootout sa Las Piñas

MANILA, Philippines – Patuloy na umaani ng tagumpay ang ‘crackdown’ kontra droga ng Philippine National Police (PNP) matapos na mapaslang ang isa sa mga itinuturing na nangu-ngunang drug lord sa Cebu at bodyguard nito sa engkuwentro sa mga operatiba ng pulisya sa Las Piñas City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez, kinilala ang mga napaslang na suspect na sina Jeffrey Otom Diaz, 40, alyas Jaguar, isang notoryus na drug lord sa Central Visayas partikular na sa Cebu at bodyguard nitong si Paul Vincent Gloria, 26, residente ng Uranium St., sa lungsod ng Las Piñas.

Si Diaz ay residente ng Brgy. Duljo Fatima, Cebu City  at kabilang sa mga top drug lord sa Central Visayas na nasa watchlist ng pulis­ya. Una nang nangako itong susuko na sa PNP matapos na humi­ngi ng tawad kay incoming President Rodrigo “Digong’’ Duterte si Diaz na sinabing huminto na siya sa pagtutulak ng droga pero sa monitoring ng pulisya ay aktibo pa ito sa ilegal na aktibidades.

Bandang alas-10:40 ng gabi nang pangunahan ng Cebu Police Regional Intelligence Division (RID) 7 sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Rex Derilo, Regional Special Operations Group (RSOG) 7 sa pamumuno naman ni Supt. George Ylanan katu-wang ang Las Piñas City Police ang ope­rasyon sa Pilar Village, Brgy. Almanza ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Central Visayas Police na nasa Las Piñas ang isa pang drug lord na si Alvaro Alvaro na kasamahan din ni Jaguar  na tinutugis din ng pulisya at sinasabing siyang naging target ng warrant kaya agad silang nagpadala ng mga ope­ratiba sa Metro Manila at ikinasa ang operasyon.

Gayunman, si Jaguar ang nakasagupa ng mga ope­ratiba sa kahabaan ng Gem Road sa panulukan ng Narra Road sa Pilar Village, Brgy. Almanza ng lungsod.

Samantalang nakatakas naman sa operasyon si Alvaro na siyang target sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Jerry Dicdican ng 7th Judicial Region ng Danao City Regional Trial Court Branch 25.

Nabatid na ang mga sus­pect ay lulan ng kulay beige na Toyota Fortuner (YKZ-202) nang harangin ng mga pulis pero sa halip na huminto ay pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kainitan ng shootout   ay kapwa napatay ang drug lord na si Diaz at ang bodyguard nito  at nakuha mula    sa tabi ng kanilang mga bangkay ang isang Bushmaster M16 rifle na may scope at dalawang magazine at isang Colt. 45 pistol na may magazine at lamang mga bala.

Nakuha rin mula sa behikulong sinasakyan ng mga ito ang isang malaking plastic sachet na naglalaman ng P 1.2 M shabu, P10,000 cash at sari-saring mga identification cards.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with