^

Metro

2 Taiwanese timbog sa P195-M shabu

Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Na­tional Police-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) ang da­lawang Taiwanese­ mata­pos masabat ang si­na­­sak­yan ng mga ito kung saan nasamsam sa kanila ang may 39 na kilo ng shabu­ na nagkakahalaga ng P195-M sa isinagawang ope­rasyon sa Parañaque City kahapon.

Kinilala ang mga nada­kip na suspect na sina Shien Ming Tseng, 33 at Zheng Khi Huang, 25.

Bago ito, ayon sa pulisya­ nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa iligal na gawain ng mga suspect na sinasabing mi­yembro ng malaking drug syndicate.

Pasado alas-12:00 ng tanghali nang magsagawa ng anti-illegal drug operation at masabat sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Brgy. Dongalo, Parañaque City ang mga suspect lulan ng isang Toyota Innova.

Nang siyasatin ang sasakyan ng mga ito dito na tumambad ang sangkaterbang high grade quality ng shabu, na ang 13 packs ay nakalagay sa backpack at ang 26 naman ay nakalagay sa luggage.

Base pa sa intelligence report, nagkabayaran na umano sa droga sa Bangkok at idi-deliver nang masabat ito sa area ng Cavite.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang naturang insi­dente habang inaalam pa kung sinu-sino ang ka-tran­saksyon ng mga nadakip.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with