Trak ng basura kailangan din ng prangkisa
MANILA, Philippines – Tulad ng mga towing service company, kaila-ngan ding kumuha ng prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga trak ng basura.
Ito ang sinabi ni LTFRB boardmember Ariel Inton upang matamang maka-pag-operate ang mga truc-king company sa paghahakot ng basura mula sa bawat lokalidad na kakontrata ng mga ito.
“Yang kasing mga trak ng basura ay may kontrata sa local government agencies, naniningil din yan sa LGUs para sa serbisyo nila kaya kailangan nilang kumuha ng franchise ng LTFRB, considered kasi yang truck for hire vehicle” pahayag ni Inton.
Sinabi ni Inton na oras na mabigo ang mga truc-king company ng basura na makakuha ng franchise sa LTFRB ay ipatitigil nila ang operasyon nito.
Binigyang diin ni Inton na bagamat pagkolekta ng basura sa mga lokalidad nakatutok ang operasyon ng garbage trucks, dapat din namang iprayoridad ng may-ari nito ang pagsasalegal ng kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng prangkisa.
Anya may kaukulang parusa sa mga garbage truck owners na hindi kukuha ng franchise sa ahensiya.
- Latest