^

Metro

Mahigit 6,000 mag-aaral, nabiyayaan ng libreng school supplies ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa 6,000 kabataang mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay sa district 1 hanggang district 6 ang nakatanggap ng libreng  school supplies mula kay Quezon City Vice Mayor Joy Bel­monte sa ilalim ng ‘Joy of Public Service program’.

Partikular na naisagawa ang pamamahagi ng school supplies tulad ng bags, papel, notebooks, lapis, cra-yons, pencil case at iba pa sa mga covered court ng barangays Kamuning, Quirino 2B, Paltoc at Bernardo sa Distcrict 1, 3 at district 4.

Sinundan naman ito ng pamamahagi ng school supplies sa covered court ng barangays Gulod, Baesa, Tandang Sora at Commonwealth sa district 2, 5 at dis­trict 6.

Ayon kay Belmonte, ta­unang naisasagawa ang programa upang makatulong para maibsan ang gastusin ng mga magulang sa kanilang mga anak na magsisipasok ngayong darating na pasukan sa Lunes.

Bago ito, nakipagkoordinasyon din ang tanggapan ni Belmonte sa mga public schools sa lungsod upang makatulong sa pagsisinop ng mga silid- aralan na gagamitin sa pasukan sa ilalim ng ‘Brigada Eskuwela’ ng Department of Education.

Dito, nagkaloob din ng mga cleaning materials at pagkain ng mga magulang at guro ang tanggapan ni Belmonte na nagsasaayos at naglilinis sa mga silid-aralan.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

KIM HENARES

REAL ESTATE

TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with