^

Metro

Quezon City handa na sa tag-ulan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang Quezon City sa panahon ng tag- ulan.

Ito’y makaraang simulan na ng lokal na pamahalaan ang declogging o ang ‘Ope­ration Linis Ilog’ sa mga waterways sa lungsod partikular sa mga ilog, at malalaking canal dito

Mula noong Abril nga-yong taon, nagsimula na ang tanggapan ni Quezomn City  engineer Joselito Cabungcal na isagawa ang malawakang  clean-up drive  sa   mahigit 20 waterways   upang maiwasan ang pagbabaha sa panahon ng tag-ulan.

Sa kasalukuyan, sinabi ni  Engineer Robert Beltran ng Road Maintenance Division ng City Engineering Department, may 90 percent na ang natatapos nilang linising mga ilog, creeks at malalaking canals sa anim na distrito sa lungsod.

Sinabi rin ni Beltran  na may nailagay din silang monitoring system sa mga lugar sa QC upang agad madetermina ang kailangang ayuda sa mga kalsada na madalas bahain kapag malakas ang pag-ulan.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang  drainage networks  sa  Mariblo Creek, Matalahib Creek, Culiat River, San Francisco River, Tangue Creek, Balaba Creek, Bayan Creek, Katipunan Creek, Dario Creek, at Pasong Tamo Creek sa District I.

 Sa district II, ang drainage improvement plan ay pumapaloob sa Tullahan river, North Fairview, Sta. Lucia, Sta. Monica, Gulod, Nagkaisang Nayon at San Bartolome.

Sa district III ay sa Bara-ngays East Kamias at Ta­gumpay habang s District IV ay may drainage improvement sa Campupot creek puntang San Juan river, Aurora Boulevard bridge at Lagarian creek.

ALYSSA VALDEZ

BALI PURE

ILIGAN

SHAKEYS VLEAGUE

SOLTONES

VLEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with