Karnaper na pumatay pa sa biniktima, arestado
MANILA, Philippines – Nalambat ng pinagsanib na pwersa ng Manila Police District at Castillejos, Zambales Police ang isang wanted sa kasong pagpatay sa lalaking tinangayan niya ng motorsiklo sa San Andres, Maynila noong nakalipas na taon.
Nakapiit sa MPD-station 6 ang suspek na si Jefferson Latinazo, 28, na ibiniyahe mula sa Brgy. Magsaysay, Castillejos, Zambales para sa kinasasangkutang kasong homicide at carnapping na naganap noong Disyembre 16, 2015.
Nabatid na may nakapagbigay ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa nasabing lugar kaya tumulak ang mga operatiba ng MPD-Station 6 at nakipag-ugnayan sa Castillejos Police dala ang warrant of arrest ipinalabas ni Presiding Judge Josefina Siscar ng Manila Regional Trial Court Branch 55,
Sa ulat ni ni C/Insp. Dennis Gimena, biktima ni Latinazo ang isang Carlito Tazarte Jr., 38,ng no. 2064 C Batangas Line San Andres Bukid, Maynila noong Dis. 6, 2015, kung saan pinatay pa ang biktima bago tinangay ang motorsiklo nito habang nasa panulukan ng Crisolita at Diamante sts. San Andres, Maynila. Henry Sayson Jr.,-trainee
- Latest