^

Metro

Planong P13-B international airport sa Manila Bay isusulong ng Parañaque City

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mariing nanawagan kahapon ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa admi­nistrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte na isulong ang konstruksyon na pa­       nukalang P13 bilyong international airport sa central Manila Bay.

Ayon kay re-elected Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nabatid na ang multi-bilyong airport project ay isa sa mga potensyal na lugar na inirekomenda ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa gob­yerno.

Ipinahayag ni Olivarez na sinusuportahan nila ang itatayong international airport project na ipapalit sa napakasikip at napakalumang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sakop ng lungsod.

Nais ng gobyerno na gumawa ng bagong international airport na may 25 hanggang 30 minuto ang layo sa NAIA sa Parañaque na inaasahang aabot na sa full capacity sa madaling panahon.

Ang panukalang airport ay itatayo sa Parañaque territorial jurisdiction. Sa ilalim ng plano, gagamitin ang 157-hectare ng reclaimed land na mas kilalang “Freedom Island”.

ASSUMPTION HIGH SCHOOL CLASS OF 1968

HERRAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with