^

Metro

Droga , overdose sa alcohol ikinamatay ng 2 biktima sa Forever summer concert

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Droga at overdose sa alcohol ang sanhi ng pagka­matay ng dalawa sa limang nasawing biktima matapos na bigla na lamang bumagsak sa Forever Summer concert sa isang mall sa Pasay City noong nakalipas na buwan.

Ito ang nabatid kahapon matapos na ipalabas na ng PNP Crime Laboratory ang resulta ng isinagawang awtopsiya, hispathology at toxicology examinations sa mga biktimang sina Ken Migawa, 18-anyos, isang Hapones at sa 33-anyos na Amerikanong si Eric Anthony Miller.

Sina Migawa at Miller ay kabilang sa limang concert­goers na nasawi sa nasa­bing concert­ event ng Close up sa nasa­bing mall sa Pasay City noong Mayo 21 ng taong ito.

Sinabi ni PNP Crime Labo­ratory Director P/Sr. Supt. Emmanuel Aranas sina Migawa at Miller ay lumitaw na posi­tibo sa paggamit ng ecstasy, isang uri ng droga na kabilang sa nasamsam sa raid  ng National Bureau of Investigation, isang araw matapos ang insidente.

Ayon kay Aranas ang dala­wang dayuhan ay kapwa nasawi sa ‘multiple organ failure’  kung saan namaga rin ang utak at  nagkaroon ng pinsala ang muscle   ng puso ng mga ito na epekto ng ecstasy at alcohol.

Bukod kina Migawa at Miller kabilang pa sa mga nasawi sa party concert ay sina Bianca Fontejon, 18; Lance Garcia, 32 at Ariel Leal, 22.

Nabatid na tanging si Leal ang hindi na isinailalim ng mga awtoridad sa awtopsya dahilan tumanggi ang pamilya nito.

AYALA LAND INCORPORATED

MIXED-USE COMMUNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with