^

Metro

P20-M drug bust: 3 arestado

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong pinaghihinalaang big time drug pushers ang naaresto matapos masamsaman ng 4 kilo ng shabu sa isi­nagawang magkasunod na buy bust operation ng mga operatiba ng Criminal In­vestigation and Detection Group (CIDG) sa Parañaque City nitong Lunes ng gabi at kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona ang nasakoteng mga suspect na sina Amatonding Noroden Alap, 35; Mustapha Batonggara, 47; at Binnor Macabato, 19; pawang residente ng lung­sod ng Maynila.

Ayon kay Deona ang mga suspek ay nasakote sa buy-bust operation na isinagawa sa kahabaan ng Bradco Ave­nue, Brgy. Tambo sa Bac­laran, Parañaque City bandang alas-10:40 ng gabi.

Bago ito ay nagpositibo ang impormasyon ng CIDG operatives hinggil sa pagkakasangkot ng mga suspek sa talamak na pagtutulak ng droga kaya agad ikinasa ang operasyon.

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos dakpin ng mga awtoridad sa aktong iniaabot ang droga sa ka-deal ng mga itong poseur buyer ng CIDG sa halagang P 500,000 kada isang kilo.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang mala­laking plastic na naglalaman ng 3.2  kilo ng shabu  na nagkakahalaga ng P15M. Ayon sa opisyal ang isang kilo ng metamphetamine hydrochloride ay nagkakahalaga naman ng P5 milyon.

Sa isinagawang follow-up operations naman kahapon ng umaga, sinabi ng opisyal na nakasamsam ang kaniyang mga tauhan ng ka­ragdagang 800 pang gramo ng shabu. Sa kabuuan, ayon kay Deona ay umaabot sa 4 kilo ng shabu ang nakumpiska ng kaniyang mga tauhan.

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with