^

Metro

Pusher itinumba ng vigilante group

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang kila­bot na drug pusher ang itinumba ng uma­no’y grupo ng mga vigi­­lantes  sa Barangay Com­mon­­wealth sa Quezon City kahapon ng madaling- araw.

Ayon kay P/Supt. Ro­bert Sales, hepe ng Batasan Police Station 6, isinala­rawan ang napatay na suspek na nasa 30-anyos, 5’3’  ang taas, kayumanggi at katamtaman ang pa-ngangatawan.

Ang napaslang na pu­sher ay natagpuang nakahandusay sa may gilid  ng Steve St. sa Ba­rangay Commonwealth na may tama ng bala  sa katawan at sa ulo.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas–12:00 ng ha-tinggabi, nakarinig ng mga putok na baril ang ilang residente  sa lugar at nang alamin nila ang pinagmulan ng putok ng baril ay saka tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng biktima sa may Steve St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Nakuha ng mga otoridad sa bulsa ng nasawi ang mga plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Agad namang inata-san ni QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio na masusing imbestigahan ang kaso at tugisin ang hinihinalang mga  vigilantes na kumikilos  sa lunsod.

EWAN MCGREGOR

OUR KIND OF TRAITOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with