^

Metro

12 pipi, bingi binigyan ng trabaho sa Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 12-katao na pawang mga pipi at bingi ang binigyan ng trabaho sa loob ng Taguig City Hall bilang ba­hagi ng pagbibigay ng opor­tunidad sa mga PWDs (person with disabilities).

Itinalaga ang naturang mga bagong kawaning PWDs bilang mga “data encoders” sa ilalim ng tanggapan ng Taguig City Integrated Survey System (TCISS).

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na nagsilbing inspirasyon ang unang 14 na deaf-mute na empleyadong kanilang binigyan ng trabaho kaya nagtuluy-tuloy ang programa at lalo pa umano nilang palalakasin para mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga PWDs na residente ng lungsod.

Nagbigay-daan umano ang programa para sa bagong mga posibilidad sa mga PWDs base sa Republic Act 10524 na naglalayong bigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga may kapansanan.

Sa pagpapalakas sa   pag-empleyo sa mga PWDs, hinihikayat naman ng pamunuan ng Taguig City Hall ang mga ordinaryong empleyado na mag-aral ng “sign language” upang matulungan ang mga empleyadong deaf-mute na makikipag-ugnayan sa kanila.

PHILIPPINE ECONOMY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with