^

Metro

Crane bumagsak, 2 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang su-gatan at nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko matapos bumagsak ang isang crane mula sa isang ginawang gusali sa Makati City kahapon ng umaga.

Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center (MMC) ang mga biktimang sina Ramon Romirosa, 47, taxi driver at ang siklistang si Romeo Lopez, 40, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Ayon sa report na naka­rating sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente alas-7:50 kahapon ng umaga sa ginagawang gusali ng Sky Suites buil-ding, sa #114, kahabaan ng  H.V. Dela Costa St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air ng naturang lungsod.

Bumagsak ang isang crane ng naturang construction site dahilan upang mabagsakan ang dumadaang taxi ni Romirosa at ang siklistang si Lopez.

Bukod dito nagbagsakan din ang  pitong poste ng Manila Electric Company (MERALCO), dalawang poste ng Telus, na nagdulot  ng  pagkaputol ng supply ng kuryente sa naturang lugar  at kalapit na bisinidad nito.

Kaagad namang dinala ng rescue team ang mga sugatang biktima sa  nasabing ospital.

Nagdulot din ng mabigat na daloy ng trapiko  sa mga motorista ang insidente.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Mega World  sa insidente.

Inaalam na rin kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala at aalamin rin kung may na-ging kapabayaan at nagkaroon ng paglabag sa safety measure  ang contructor ng naturang gusali.

Samantala, ayon kay Engineer Julio Cepeda, officer-in-charge ng Office Building Official (OBO) ng Makati City Hall, iimbestigahan nila ang A.M. Oreta Construction Company, ang kontraktor na gumagawa sa Sky Suites Building upang matukoy kung ano ang na-ging sanhi nang pagbagsak ng crane.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with