^

Metro

Kelot lasog sa killer bus

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang mabundol at masa­gasaan ng isang rumara­ga­sang pampasaherong bus sa Regalado Avenue, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Senior Insp. Marlon Meman, commander ng Quezon City Police District Sector 2, nakilala ang nasawi na si Armand Saplan, nasa hustong gulang ng 047 Dear St., Don Fabian, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Kinilala naman ang driver ng bus na si Lino Asis, 45, may-asawa ng 1079 River­side St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Bukod sa biktima, ini­reklamo din si Asis ng driver ng taxi na si Ariel Jaculo, 46 na unang binangga nito makaraang mabundol ang una.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Ferdinand Paglinawan, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Regalado Avenue, kanto ng Domingo de Ramos, Brgy. Greater Lagro Nova, QC, ganap na alas-8:25 ng umaga.

Bago ito, tinatahak umano­ ng Nissan passenger bus (CEM Trans Services Inc.)  na minamaneho ni Asis ang kahabaan ng Regalado Avenue galing ng Commonwealth Ave­nue, at patungo sa SM Fairview nang pagsapit sa kanto ng Domingo de Ramos St., Brgy. Greater Lagro ay bigla itong lumihis pakaliwa papasok sa kasalungat na direksyon ng kalsada.

Ang resulta, nabangga ng bus ang minamanehong Toyota­ Vios na taxi ni Jaculo hanggang sa matumbok na rin ang bahagi ng isang esta­blisimyento na bilihan ng Japan surplus.

Gayunman, hindi pa rin huminto ang bus at nagtuluy-tuloy ito sa pag-arangkada hang­gang sa mabangga at masagasaan si Saplan na na­katayo sa may gilid ng nasabing kalsada.

Sa tindi ng pagkakasagasa, agad na nasawi ang bik­tima habang ang driver ng bus na si Asis ay nasa kusto­diya naman ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposis­yon.

vuukle comment

SEN. JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with