^

Metro

160 pamilya nasunugan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 160 pamilya ang nawalan ng tirahan nang  lamunin ng malakas na apoy ang 75 kabahayan matapos umanong tamaan ng kidlat ang isang antenna ng tele­bisyon sa isang compound sa Las Piñas City kamakalawa ng hapon.

Lumalabas sa inisyal na ulat ng Las Piñas City  Fire Department, pasado alas-3:00 ng hapon nagsimula ang sunog sa isang bahay sa St. Louie Compound, Phase 2, Admiral, Brgy. Talon 3 ng naturang lungsod.

Dahil pawang gawa sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga ka­tabing bahay.

Tumagal ng mahigit tatlong oras ang sunog sa naturang lugar bago tuluyang naapula ito nang rumispondeng mga bumbero.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga napinsalang  mga ari-arian.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Rizal Experimental Station at inaayudahan na ang mga ito ng Las Piñas City Social Welfare Department.

NILO LEDAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with