^

Metro

DQ, annulment of proclamation isinampa ni Lim vs Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsampa sa Commission on Elections (Comelec) ng disqualification at annulment of proclamation si dating Manila Mayor Alfredo Lim laban kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Kahapon ng umaga nang magtungo si Lim sa Comelec upang isu-mite ang petisyon laban kay Estrada kung saan kasama din sa reklamo sina Anthonette Aceret, city election officer; Fiscal Edward Togonon, city prosecutor ; Dr. Wilfredo Cabral, superintendent of city schools; at ilang  miyembro ng city board of canvassers sa Maynila.

Sa petition, inakusahan ni Lim si Estrada ng vote-buying at iligal umano ang  proklamasyon ng city board of canvassers.

Nakasaad sa petis-yon na namigay umano si Estrada ng  libong mga tablets at computers sa mga guro sa Maynila na sakop ng campaign period.

Namigay din umano si Estrada ng mga regalo na nagkakahalaga ng P52-milyon sa 150,000 senior citizens.

Iligal din umano ang  proklamasyon ni Estrada dahil hindi naman electronically transmitted ang  resulta ng  halalan.

Ayon naman kay Estrada, karapatan ni Lim na maghain ng reklamo at handa naman niya itong sagutin sa tamang lugar.
 

CEBU CITY HALL ALL STAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with