^

Metro

2 itinumba dahil sa droga

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lola at isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang ‘tulak’ ng droga ang nasawi matapos itong pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa Malabon at sa Quiapo, Maynila.

Sa Malabon dead on the spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng  kalibre  9mm at .45   sa ulo at katawan ang biktimang si Elvira Roxas, 60, ng Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod.

Ayon kay SPO2 Jerry Dela Torre, ng Malabon City Police, naganap ang insi­dente alas-11:30 ng gabi sa tinitirhan ng biktima sa naturang lugar.

 Nasa labas umano ng kanilang bahay ang biktima, nang dumating ang dalawang hindi kilalang mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril si Roxas.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga salarin habang iniwannaman ang walang buhay na biktima.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente ang anim na basyo ng bala ng kalibre .9mm, dalawang basyo ng bala ng  kalibre .45, metallic jacket at coin purse na naglalaman ng dalawang sachet ng hinihinalaang shabu.

Lumalabas pa sa imbestigasyon ng pulisya, April 8 ng taong kasalukuyan nang balaan  ang biktima ng hindi nakikilalang mga suspect,  na tumigil na ito sa pagbebenta ng  droga sa naturang lugar at bago umalis ay nagpaputok pa ng baril pataas ang isa sa mga ito.

Kaya ayon sa mga pulisya, posibleng may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot ang motibo nang pagpaslang sa biktima.

Samantala sa Quiapo, Maynila ang isang hindi pa kilalang lalaki ang binaril at napatay sa hinala ring dahil sa droga   sa panukan ng Elizondo at Globo De Oro Sts., Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot ang biktimang inilarawan ni PO3 Dennis Turla  ng Manila Police District-Homicide Section sa edad na 25-30, may taas 5’5, nakasuot ng kulay blue na Jersey sando, puti  at green stripes ang kulay ng shorts at green ang tsinelas.

Dakong alas-3:00 ng madaling araw nang makita ng ilang concerned citizen ang duguang biktima sa nabanggit na lugar at ipinagbigay-alam sa dumaang pulisya.

Walang nagsasalita o nais magbigay ng impormasyon hinggil sa pangyayari, na normal nang problema ng mga imbestigador sa tuwing may magaganap na patayan sa lugar.

Teorya ng mga awtoridad, may kaugnayan sa iligal na droga ang nasabing krimen.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with