^

Metro

SB at Joy B, pangungunahan ang 1st Quezon City Solo Parent Summit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan nina House Speaker Sonny Belmonte at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang kauna-unahang ‘Solo Parent Summit’ sa Quezon City sa darating na February 8 ng umaga sa Amoranto Theater sa lungsod sa araw ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, layunin ng hakbang na kilalanin ang ginagampanang papel sa lipunan at mapalakas pa ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa mga solo parents ng lungsod. Anya ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act 8972 o ang Solo parent Welfare Act of 2000.

 Tampok sa okasyon ang pagkakaroon ng 4Ks o ang Task Force for Solo Parent Association Inc. na siyang matamang titingin at titiyak na mapapagkalooban ng kaukulang pansin at pagkalinga ang mga solo parent sa QC.

Magiging keynote speaker ng proyekto si Vice Presidentiable Lenny Robredo na isa na ring solo parent ngayon.

Kasama sa tagumpay ng summit ang pakikipagtulu­ngan ng iba’t- ibang tanggapan sa QC hall tulad ng lahat ng Department Heads ng  City Health Department,Division of City Schools, Social Ser­vices Department gayundin ng Public Attorneys Office sa pangunguna ni Pao Chief Persida Acosta,QC Councilors at Department of Interior and Local Government.

Inaasahang may 1,500 solo parent leaders na lalaki at babae ang makikiisa sa naturang summit mula sa district 1 hanggang district 6 ng QC.

ACIRC

AMORANTO THEATER

ANG

CHINESE NEW YEAR

CITY HEALTH DEPARTMENT

DEPARTMENT HEADS

DIVISION OF CITY SCHOOLS

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA

PUBLIC ATTORNEYS OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with