^

Metro

Kasambahay ‘kasabwat’ ng ‘Dugo-dugo gang,’ kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 31-anyos na kasambahay nang pagdudahan ito na kasabwat ng grupo ng ‘Dugo gang’ na tumangay ng vault ng kaniyang amo na naglalaman ng cash at alahas na nagkakahalaga ng P2.5 milyon  sa Binondo, Maynila, kamakalawa.

Ipinagharap ng reklamong qualified theft ang suspek na si Rosalie Mercado, tubong Tagaytay, Bacolod City at stay-in sa nasabing condominium ng amo nitong si Merriam Cai, 39, ng Tower A, Escolta Twin Tower sa Binondo Manila.

Kasama ring inireklamo ang sinasabing grupo na kinabibilangan ng isang matabang babae, may taas na 5 talampakan at blondie ang kulay ng buhok.

Sa imbestigasyon ni Chief Insp. Ronald Andres, deputy station commander ng Manila Police District-station 11, naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1:00  hanggang alas-5:00 ng hapon sa loob ng nasabing unit.

Sinabi ni Mercado na may tumawag na babae na inakala niyang ang amo na nagsabing nasa ospital  siya at kailangan ng malaking halaga kaya inutusan ito  na dalhin ang vault na nasa master bedroom  sa isang foodchain sa  Bambang St., sa Sta Cruz, Maynila.

Kinuwestiyon umano ng guwardiya ng condo ang suspek at nagdahilan na ipadadala niya sa LBC forwarder ang nakabalot na kahon, na hindi niya sinabing isa itong vault. Dinala niya umano sa nasabing lugar ang vault na kinuha ng isang matabang babae.

Dahil sa paiba-iba umano ang sinasabi ng suspek at hin-di matukoy o maituro sa mga pulis kung saang foodchain nito  dinala kaya  pinaghinalaan siya ng amo at ng mga pulis na kasabwat sa krimen.

vuukle comment

ANG

BACOLOD CITY

BAMBANG ST.

BINONDO MANILA

CHIEF INSP

ESCOLTA TWIN TOWER

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MERRIAM CAI

NBSP

RONALD ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with