^

Metro

Muntinlupa fire: 600 pamilya nawalan ng bahay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 600 pamilya ang nawalan ng tahanan  at tinatayang nasa P3 milyong mga ari-arian ang napinsala matapos tupukin ng apoy ang may 100 kabahayan sa Muntinlupa City,  kamakalawa ng gabi.

Isa ang nasugatan sa naganap na sunog  na nakilalang si Annalie Aninang, ng Bagong Sipol, Brgy. Putatan ng nasa­bing lungsod. Ayon kay Muntinlupa City Fire Marshall Supt. Gilbert Dolot, alas-11:45 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Daniel Jabobo sa naturang lugar, matapos na may umusok sa bandang kisame nito.

Dahil pawang gawa sa light materials mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan.

Isa pang nakitang problema kaya mabilis kumalat ang apoy ay dahil sa makipot ang mga daanan kung kaya’t hindi kaagad nakadaan ang nagrespondeng mga bumbero.

Nataranta ang mga residente, dahilan upang magtakbuhan ang mga ito at nagbagsakan ang mga lumalagablab na mga kahoy dahilan upang mabagsakan sa paa si Aninang kung kaya’t mabilis itong dinala sa naturang pagamutan ng rescue team.

Alas-3:00 kahapon ng madaling-araw nang ideklarang fire-out ang sunog. Patuloy na inaalam ang pinagmulan ng sunog.

ACIRC

ANG

ANINANG

ANNALIE ANINANG

BAGONG SIPOL

DANIEL JABOBO

GILBERT DOLOT

ISA

MGA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY FIRE MARSHALL SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with