^

Metro

P143-M pekeng produkto nasamsam ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa halagang P143-milyon ang mga nasamsam na pekeng produkto sa magkakahiwalay na isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga pamilihan sa bansa.

Kabilang sa serye ng ope­rasyon ang mga shopping centers at mga bodega  sa Dau at Mabalacat sa Pampanga; Quezon City; Maynila, Greenhills, San Juan; at sa Biñan, La­guna.

Sa ulat mula sa tanggapan ng Intellectual Pro-perty Rights Division ng NBI, gumamit sila ng search warrants na inisyu mula sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 at Pasig RTC Branch 159 sa magkakasunod na raid na nagsimula noong Enero 27, 2016.

Una rito ang pagsalakay laban sa mga establisimi-yento kaugnay sa reklamo ng GIBSON’s shoes na may pagawaan ng orihinal sa Marikina City subalit nagkalat umano ang produkto nila sa ilang tindahan sa Dau Shopping Centre, sa Pampanga.

Sa nasabing raid, nasamsam ang may P418,000.00 halaga ng sapatos at P6.6 M na halaga ng pekeng unlicensed Autocad software na nakakarga sa mga sinamsam na computers. Kasunod nito ay ang pagsalakay sa Carmona, Cavite, na dito nasamsam din ng mga personal computer  na nagkakahalaga ng P6 na milyon.

ACIRC

DAU SHOPPING CENTRE

INTELLECTUAL PRO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARIKINA CITY

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PAMPANGA

QUEZON CITY

RIGHTS DIVISION

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with