Airport screener kinasuhan sa smuggling
MANILA, Philippines – Sinampahan ng kaso ang isang airport screener matapos itong mabukong nakipagsabwatan diumano para maipuslit palabas ng bansa ang may 47 pirasong iba’t ibang uri ng mga exotic animals na inilagay sa limang kahon ng styrofoam na nakasulat pang aquatic plants papuntang Japan.
Ayon sa ulat, isang Gerald Bravo, ng Office for Transportation Security (OTS), ang sinasabing suspek sa pagpupuslit diumano ng 11 tarsiers, 11 snakes, 11 monitor lizards, 8 sailfin lizards at kuwago.
Sinasabi sa report, si Bravo pa diumano ang nag-proseso ng mga dokumento ng mga hayop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa isang Shoji Masuyama ng Japan.
Samantala, si Bravo ay sinasabing lumabag sa ‘wildlife laws’ sa ilalim ng Republic Act 9147 at may apat na taong pagkakakulong.
Nauna rito, ilang kasapi sa OTS na rin ang kinasuhan ng NBI dahil sa modus operandi na ‘laglag-bala’ extortion scam at ngayon ay sabit na naman ang airport screener sa diumano’y smuggling.
- Latest