Taas presyo naman sa petrolyo
MANILA, Philippines – Matapos ang sunud-su-nod na rollback, malungkot na balita para sa mga motorista, dahil nagpatupad naman ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito ng Martes (Pebrero 2).
Ang oil price hike ay pinangunahan ng Pilipinas Shell na epektibo ito ng alas-6:00 ng umaga.
Sa abiso ng Pilipinas Shell kahapon, tumaas ang presyo ng kanilang gasoline, na nasa P0.45 kada litro; P1.05 sa diesel o krudo at P1.20 sa kerosene.
Ayon kay Ina Soriano, ng Pilipinas Shell ang naturang “oil price hike” ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa world market.
Asahang, mag-aanunsiyo na rin ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang iba pang kompanya ng langis na may kahalintulad na halaga.
Nabatid na noong Disyembre 1, 2015 ay huling nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis.
Noon namang nakaraang mga linggo ay nagpatupad ng sunud-sunod na rollback ang mga oil company at huli nitong Enero 26 ng taong kasalukuyan.
- Latest